Isang Pinay nasawi dahil sa isang insidente ng pagnanakaw sa Milan

Isang Pinay nasawi dahil sa isang insidente ng pagnanakaw sa Milan

INIULAT ng Philippine Consulate General sa Milan na isang 61 years old na Pilipinang kasambahay ang nasawi sa isang insidente ng pagnanakaw.

Naganap ang trahedya ayon sa konsulado noong Sabado, Abril 19, 2025.

Batay sa mga ulat, ang naturang suspek ay pumasok sa apartment ng Israeli employer ng kasambahay malapit sa Parco Sempione.

Bagamat pangunahing biktima ng pagnanakaw, sinakal na rin ng suspek ang Pinay na kasambahay hanggang sa mamatay.

Sa ngayon ay tiniyak ng konsulado na makikipag-ugnayan ito sa mga kaanak ng biktima upang maipagkaloob ang anumang tulong na maaari nilang ibigay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble