Isang Pinoy fast-food giant, nagbukas ng kanilang ika-200 store sa Vietnam

Isang Pinoy fast-food giant, nagbukas ng kanilang ika-200 store sa Vietnam

IKALAWA na ang bansang Vietnam sa malaking market ng Pinoy fast-food giant na Jollibee Foods Corporation (JFC).

Kasunod ito sa inauguration ng kompanya sa kanilang ika-200 na store sa Vietnam nitong Huwebes, Disyembre 12, 2024.

Sa pahayag ng Pinoy fast-food giant, target nilang maging isa sa top five na fast-food restaurants sa buong mundo kung kaya’t puspusan ang kanilang ginagawang expansion.

Sa datos, maliban sa 200 stores ng kompanya sa Vietnam, nasa 150 stores naman sila sa Estados Unidos habang 1.3K ang nasa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble