Isang taon na state of calamity, inirerekomenda ng NDRRMC dahil sa Bagyong Paeng

Isang taon na state of calamity, inirerekomenda ng NDRRMC dahil sa Bagyong Paeng

NINANAIS ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na isailalim ang bansa sa isang taong national state of calamity.

Maaari namang tanggalin rin ang state of calamity ng mas maaga depende sa magiging sitwasyon ng bansa.

Ayon kay Office of Civil Defense Administrator Raymundo Ferrer, ito’y dahil 16 sa 17 rehiyon sa bansa ay kinokonsiderang “high risk” sa Bagyong Paeng.

Maliban pa dito, 64 na probinsya rin ang pasok sa 850 kilometers na nadadaanang lugar ng bagyo.

Kung nasa ilalim ng state of calamity ang bansa, nabibigyan ito ng kapangyarihan na gumamit ng karagdagang pondo para sa disaster response at maaari ding magpatupad ng price freeze sa basic commodities.

 

Follow SMNI News on Twitter