Isang Thai company magsu-suplay sa Pilipinas ng baboy araw-araw

Isang Thai company magsu-suplay sa Pilipinas ng baboy araw-araw

NAKIPAGTULUNGAN ang Food Terminal Inc. (FTI) sa isang Thai company para makamit ang layuning mapababa ang presyo ng baboy sa merkado.

Sa naturang kasunduan, magpapadala o magde-deliver ang Charoen Pokphand Foods PLC ng 100 buhay na baboy araw-araw simula ngayong buwan hanggang Mayo.

Sa pahayag ng Department of Agriculture (DA), dadalhin agad ang mga baboy sa Caloocan kung saan ito kinakatay.

Ito na ang ipapamahagi sa mga palengke sa National Capital Region, Rizal, at Cavite.

Matatandaan na noong Marso 10 ay itinakda ang maximum suggested retail price (MSRP) sa pork products.

Para sa liempo o pork belly, nasa P380 kada kilo ang MSRP; P350 kada kilo sa kasim at pigue; habang P300 kada kilo sa sabit ulo.

Ngunit sa monitoring ng DA nitong Marso 27, ang liempo ay ibinebenta sa pagitan ng P380 hanggang P450 kada kilo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble