KASALUKUYANG tinatrabaho ng American singer-songwriter na si David Pomeranz ang isang theater musical na gaganapin sa bansa.
Target itong mangyari sa 2024 at makakasama aniya sa cast ang local actors.
Magugunitang si Pomeranz ay nasa bansa para sa isang concert series bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo nito sa music industry.
Kasama sa “Coming Home: The 40th Anniversary Concert Tour” schedules ni Pomeranz ang Zamboanga KCC Convention Center sa December 3; Cagayan de Oro Lim Ket Kail Mall sa December 4; Pan Pacific University Center in Pangasinan sa December 5; at Albay Astrodome sa December 10.
Kasama rin ang Calapan Convention Center sa Mindoro ngayong December 12; Mango Grove sa Maguindanao del Sur ngayong December 13; Summit Hotel sa Tacloban ngayong December 15; Calbayog Sports Center sa Samar ngayong December 17; at sa Iloilo Convention Center ngayong December 19.