HINDI show of force ang isinagawang Inter-Agency Exercise-Alalayan Exercise 2023 sa Maynila.
Ito ang paninindigan ng Philippine Coast Guard sa katatapos lang na Isinagawang Inter-Agency Exercise-Alalayan Exercise 2023 sa Maynila
Ayon kay National Coast Watch Center at PCG Commander ng Maritime Security Law Enforcement Command Coast Guard Vice Admiral Roy Echeverria, matagal na itong nakaplano.
Wala itong kinalaman sa nangyaring water attack incident ng Chinese Coast Guard vessel sa isang barko ng Philippine Coast Guard.
Ang aktibidad ay bahagi ng muling pagsasabuhay ng National Coast Wacth Center na matagal nang naantala noong panahon pa ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.