BINIGYANG-diin ni Sen. Christopher “Bong” Go na dapat ang mamamayang Pilipino at hindi mga politiko ang makikinabang sa isinusulong na Charter change (Cha-cha).
Aniya, ang pagbabago ng konstitusyon ay dapat makabebenepisyo lalo na sa mga mahihirap na Pilipino at hindi sa interes ng mga politiko.
Kaya naman, sinang-ayunan ni Sen. Go ang mungkahi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na idaan sa survey ang nasabing isyu.
Ito’y upang malaman ang sentimyento ng mga kababayang Pilipino at malaman kung kinakailangan na ba itong baguhin.
Sinabi rin ni Go na ang pagbabago ng konstitusyon ay dapat pag-aralan nang mabuti.