MULING tatakbong alkalde ng Maynila si dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa May 2025 elections.
Kasabay niya sa paghahain ng COC sa huling araw ng filing period ang kaniyang running mate na si vice mayoralty aspirant Chi Atienza, na anak ni dating Manila Mayor Lito Atienza.
Kasama rin ni Isko sa nag-file ng COC ang ilang tatakbong konsehal sa ilalim ng Aksyon Demokratiko tulad ng anak niyang si Joaquin Domagoso, Mocha Uson, at iba pa.