Isko Moreno maayos na nakaboto sa Maynila

Isko Moreno maayos na nakaboto sa Maynila

KASABAY ng mainit na panahon ay mainit din ang naging pagtanggap ng mga botante kay Manila mayoral candidate Isko Moreno Domagoso.

Matapos bumoto, ipinakita niya ang kaniyang daliring may indelible ink bilang patunay ng kanyang partisipasyon.

Ayon kay Domagoso, naging maayos ang kaniyang voting experience gamit ang bagong makina.

Hinimok din niya ang kaniyang mga katunggali na manatiling mapayapa at huwag mag-away, anuman ang resulta ng halalan.

Pagkatapos bumoto, sinabi ni Domagoso na magtitipon silang pamilya upang sabay-sabay na subaybayan ang bilangan ng boto mamayang gabi.

PWD at senior citizens, matiyagang umakyat ng ikaapat na palapag para makaboto

Sa parehong paaralan, ilang persons with disability (PWD) at senior citizens ang matiyagang inakyat ang ikaapat na palapag upang bumoto sa kanilang presinto.

Bagama’t may nakatalagang priority polling place sa ground floor, mas pinili pa rin ng ilan sa kanila na dumiretso sa nakatalagang presinto upang mapabilis ang proseso.

Ayon sa kanila, praktikal ito sa kabila ng hirap ng pag-akyat.

Ayon sa pamunuan ng paaralan, may kabuuang 20,786 registered voters at 125 precincts sa nasabing lugar.

Samantala, nakaboto na rin kaninang pasado alas-9 ng umaga si incumbent mayor at reelectionist Honey Lacuna-Pangan sa Legarda Elementary School, gayundin si Sam Verzosa.

Sila ang dalawang mahigpit na katunggali ni Domagoso sa pagka-alkalde ng Maynila.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble