HINDI naniniwala si presidential candidate at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa huling survey na isinagawa ng Pulse Asia.
Ani Isko, masaya siya para sa mga nangunguna ngunit mas masaya siya sa mga tao.
Aniya, ipagpapatuloy niya ang pakikihalubilo sa mga tao sa kanyang kampanya na gumagastos ng kanilang salapi at oras para makadalo sa kanyang kampanya.
Samantala, pangatlo si Isko sa pinaka-huling Pulse Asia presidential preference survey.
Saad naman ni Aksyon Demokratiko chairman Ernest Ramel Jr. na ang huling survey ng Pulse Asia ay hindi nagpapakita ng kasalukuyang pulso ng publiko.