TARGET ng bansang Israel na matulungang mapaunlad ang produksiyon ng local agricultural companies sa Pilipinas at makasabay sa ibang global producers.
Kaugnay rito ay nagkita kamakailan ang Innovative Agri Industry (IAI) ng Israel sa pangunguna ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss at Kalap Businesses and Go Negosyo Founder Joey Concepcion.
Ayon sa Israeli ambassador, malaki ang potensiyal ng Pilipinas sa larangan ng agrikultura at maaaring magiging matagumpay pa rito kumpara sa Israel kung matutukan.
Samantala, espesyalista ang IAI sa agricultural technologies para sa iba’t ibang rural development kung saan saklaw rito ang patubig, telecom, konstruksiyon, at iba pa.
Sa naging pagpupulong naman ay magkakaroon ng kolaborasyon ang Israel at Pilipinas sa dairy production, water management, solar-powered desalination technologies, regenerative farming at marami pang iba.