DEDEPENSAHAN ng Israel sa International Court of Justice sa The Hague, Netherlands ang akusasyon na isa nang halimbawa ng “genocide” ang ginagawa nitong mga pag-atake sa Gaza Strip.
Ang akusasyong pagsasagawa ng genocide ay inihain ng South Africa noong Disyembre 2023 kung saan sinabi nitong nalabag na ng Israel ang nakasaad sa 1948 Genocide Convention.
Ang genocide ay ang planado o sistematikong pagkitil sa kabuuan o parte lamang ng isang pangkat, lahi, relihiyon o bansa.
Ang hearing ay sinimulan nitong Huwebes, Enero 11 hanggang 12, 2024.
Sa panig ng Israel, handa silang harapin ang akusasyon para patunayan na wala itong basehan at hindi totoo na isang halimbawa ng genocide ang kanilang ginagawa kontra Hamas militant group.
Nagsimula ang digmaan sa pagitan ng Israel military at Hamas noong Oktubre 2023.