IHIHINTO na ng Israel ang ibinibigay nilang suplay ng kuryente sa Gaza.
Isa sa lubos na maapektuhan nito ang desalination plants sa Gaza na gumagamit ng kuryente para makagawa ng inuming tubig.
Noong nakaraang linggo, hinarang na rin ng Israel ang pagpasok ng suplay ng pagkain sa naturang Palestinian territory.
Dahil dito, sinabi ng Hamas militant group na hindi nila palalayain ang mga Israeli hostage kung walang pangmatagalang ceasefire sa pagitan nila at ng Israel.
Ayon sa Hamas, nakikita nilang tinatangka na umanong umatras ng Israel sa kasunduan.
Sa panig naman ng Israel, hindi sila papayag na magpatuloy ang ceasefire kung hindi palalayain ng Hamas ang natitirang Israeli hostages.