IPINAG-utos ng Israel ang mas malawakang evacuation ng mga tao na nasa main city ng Southern Gaza.
Ayon sa United Nations, partikular na saklaw ng evacuation orders ng Israel ang Khan Yunis City, South Gaza kung saan nasa 1,040 katao ang pansamantalang naninirahan matapos lumikas sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group sa hilagang bahagi ng Gaza Strip.
Ibig sabihin dito, paliit nang paliit na ang lugar na matatakbuhan ng mga nananatiling indibidwal sa gaza.
Sa ngayon ay tinatayang nasa 20,000 katao ang nasawi sa kaguluhan sa Palestinian territory.