Israel, isinailalim na sa Alert Level 2—DFA

Israel, isinailalim na sa Alert Level 2—DFA

ISINAILALIM na sa Alert Level 2 ang Israel ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Paliwanag ng DFA, sa ilalim ng Alert Level 2 ay walang non-essential movement para sa mga Pilipino at wala ring bagong deployment ng overseas Filipino workers (OFWs).

Kung aabot naman sa Alert Level 3 ay nangangahulugan na ito ng voluntary repatriation habang ang Alert Level 4 ay nangangahulugan na ng “full-scale war”.

Sa ngayon ay dalawang Pilipino na ang kumpirmadong nasawi sa gitna ng kaguluhan sa Israel at Hamas militant group ng Palestine na nagsimula noong Sabado.

Follow SMNI NEWS on Twitter