Israel, nag-aalok ng libu-libong trabaho sa mga Pilipino

Israel, nag-aalok ng libu-libong trabaho sa mga Pilipino

NAG-aalok ang Israel ng libu-libong trabaho para sa mga Pilipino.

Kabilang sa mga inaalok ayon kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss ay sa larangan ng konstruksiyon, agrikultura, hotel service, at caregivers.

Sakaling may mga Pilipino na nais magtrabaho roon ay ipinangako ng ambassador na magkakaroon ng mabilis na employment process.

Ang available na mga trabaho ay mga binakante ng Palestinians dahil hindi na ito tinatanggap sa Israel simula nang mag-umpisa ang kaguluhan ng dalawang bansa.

Sa ngayon ay ipinatupad ng pamahalaan ang alert level 2 status sa Israel dahil sa kaguluhan at hindi pa maisasagawa ang deployment ng mga magiging panibagong Filipino workers doon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter