Israel, naghahanap ng karagdagang OFWs—Israeli envoy

Israel, naghahanap ng karagdagang OFWs—Israeli envoy

NAGHAHANAP ng maraming Overseas Filipino Workers (OFWs) ang Israel.

Sa kabila ito ayon kay Israeli Ambassador Ilan Fluss sa mga isinagawang repatriation dahil sa nangyayaring digmaan sa pagitan ng Hamas Militant Group at Israeli army.

Ani Fluss, ligtas namang puntahan sa kasalukuyan ang Israel maliban na lang sa Gaza.

Bukas din sa mga turista ang Tel Aviv, Jerusalem, Haifa, at iba pang tourist destinations sa kanilang bansa.

Tinatayang nasa 800 na mula sa 28K OFWs sa Israel ang na-repatriate dahil sa Gaza War at ang pagtatapos ng mga kontrata sa pagitan ng kanilang employers.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter