Israel sinimulan muli ang ground operations sa Gaza Strip

Israel sinimulan muli ang ground operations sa Gaza Strip

SINIMULAN na muli ng Israel ang kanilang ground operations sa Central at Southern Gaza Strip.

Hiwalay pa ito sa ginagawang airstrikes ng Israel na una nang pumatay ng 400 Palestinians noong Marso 18 at karagdagang 20 nitong Marso 19, 2025.

Madalas pa sa mga nasawi ay mga kabataan at kababaihan.

Nauna nang inanunsiyo ng Israel Defense Forces (IDF) na napatay na si Essam al-Da’alis, pinuno ng Hamas government, kasama ang tatlong iba pang senior members.

Matatandaang nagkaroon na ng ceasefire sa Gaza noong Enero 2025 at nagtapos ito noong Marso 18.

Iyon nga lang, Phase 1 lang ito dahil ang negosasyon para sa Phase 2 ay hindi na nagtagumpay dahil sa ilang rason.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble