SINIMULAN na ng Israel ang pag-atake laban sa Iran kaninang madaling araw ng Biyernes, Hunyo 13, 2025.
Target ng pag-atake ang nuclear program ng Tehran.
Maliban pa sa nuclear program ay nais ding tapusin ng naturang pag-atake ang mga pangunahing pinuno ng militar ng Iran at mga senior nuclear scientist nila.
Inaasahan na ang pag-atakeng ito ay magpapalala pa sa tensiyon sa Middle East na nag-umpisa lang din dahil sa Gaza War.