NANINIWALA si Israeli President Isaac Herzog na mali ang pagkakaintindi ng United Nations World Court sa kaniyang pahayag kaugnay sa Israel-Gaza War.
Ayon sa World Court, sa isang news conference noong Oktubre 12, 2023, sinabi ni Herzog na “entire nation” o buong bansa ang responsable sa nangyaring massacre sa Jerusalem noong Oktubre 7 na ang Hamas militant group ang pasimuno.
Subalit para sa Israeli president, hindi man lang aniya isinama ang kaniyang sinabi na walang sapat na dahilan para patayin ng Hamas ang mga inosenteng sibilyan na karamihan ay mga Jewish.
Matatandaang marami na ang humiling na ihinto na ng Israel ang kanilang pang-aatake sa Gaza Strip dahil nasa mahigit-kumulang 26,000 na ang namatay na Palestinians dahil dito.
Nang unang sinalakay ng Hamas ang Jerusalem noong 2023, nasa 1,200 ang nasawi.