Isyu ng nuisance candidates, reresolbahin agad –COMELEC

Isyu ng nuisance candidates, reresolbahin agad –COMELEC

IPINANGAKO ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia na agad nilang reresolbahin ang isyu ng nuisance candidates.

Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Garcia na agad nang dedesisyunan ng COMELEC ang lahat ng nuisance petitions sa mismong taon kung kailan nag-file ng Certificate of Candidacy (COC).

Tiniyak din ni Garcia na sa ilalim ng kanyang liderato ay hindi na nila hahayaan pang maisama sa balota ang pangalan ng nuisance candidate.

Mahigpit din aniya nilang babantayan ang paghahain ng COC para sa SK election upang matiyak na hindi over age.

Ito ay upang hindi na nagkakaproblema ang komisyon sa mga petisyong inihahain laban sa mga ito.

Para naman sa panukalang payagang kumandidato ang dual citizens sa bansa, sinabi ni Garcia na maaari silang kumandidato ngunit kailangan munang talikuran ang kanilang isang citizenship at tayuan o panindigan lamang ang kanilang pagiging Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter