Isyu sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas, timbangin—Atty. Castillon

Isyu sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas, timbangin—Atty. Castillon

DAPAT timbangin nang maayos ang isyu hinggil sa pagsususpinde ng Kuwait sa mga bagong entry at work visas ng mga Pilipino ayon kay Atty. David Castillon, founder ng Special Alliance of Welfare Officers, Advocates, Recruiters and Migrant Workers Inc. (SWARM) sa panayam ng SMNI News.

Kasama na rin sa timbangin aniya, ang isyu hinggil sa mga suhestiyon na ihinto na rin ang pagpapadala ng OFW sa naturang bansa.

Ito’y dahil marami namang karahasan sa mga Pilipino ang naitala roon.

Madali aniyang sabihin na ilipat na lang ang mga OFW sa ibang bansa para magtrabaho subalit sa katunayan naman ay wala pang nakahanda para sa kanila.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter