Itatayong Kadiwa Center sa loob ng Bilibid, tatawaging PBBM—BuCor

Itatayong Kadiwa Center sa loob ng Bilibid, tatawaging PBBM—BuCor

KASABAY ng pagtaas ng bilihin, balak na rin ng Bureau of Corrections (BuCor) na maglagay ng Kadiwa Center sa loob ng Bilibid.

Ang Kadiwa Center ay tatawaging Pambansang Bentahan sa Bilibid, Muntinlupa (PBBM) at ito ay ilulunsad sa mismong kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ngayong Setyembre 13.

Ito ay magiging bukas sa mga wholesaler at retailers na gustong makatipid at hindi na dadaan sa napakaraming middleman.

Ang BuCor ay makikipagtulungan sa Department of Agriculture (DA) para maitayo ang trading center na ito.

Maliban dito, gusto rin ng BuCor na agad na makapagtanim ng mga gulay sa loob mismo ng Bilibid.

Maging ang paglalagay ng agri farm bilang agri eco-tourism ay binabalak ng BuCor.

Matatandaan na sinabi ng BuCor na target nila na sa taong 2028 ay malinis na ang Bilibid sa mga inmate.

Gusto ng BuCor na makapagpatayo ng regional prison para maisakatuparan ito.

Sa oras na magawa ito ng BuCor ay sisimulan ang pagtayo ng commercial buildings doon.

Follow SMNI News on Rumble