BIBIGYAN ng Pardo alla Carriera Award sa 2025 Locarno Film Festival sa Switzerland ang action superstar na si Jackie Chan.
Para ito sa kaniyang kontribusyon sa film industry sa loob ng mahigit 60 taon.
Malaki naman ang pasasalamat ni Chan para sa naturang parangal sabay sabi na hindi niya rin mararating ang tagumpay niya ngayon kung hindi dahil sa kaniyang mga katrabaho.
Matatandaang nakilala ang aktor sa kung fu action-comedy films tulad ng ‘Drunken Master’ at ‘Snake in the Eagle’s Shadow.’
Samantala, ang 2025 Locarno Film Festival sa Switzerland ay gaganapin mula Agosto 6 hanggang 16, 2025.