Jaehyun ng NCT at Jisoo ng Blackpink, sumabak muli sa pag-acting

Jaehyun ng NCT at Jisoo ng Blackpink, sumabak muli sa pag-acting

MAKIKITA muli si Jaehyun ng NCT sa isang acting project.

Ito’y dahil tampok ang singer sa isang mystery thriller film na may pamagat na “You Will Die After Six Hours”.

Ang nabanggit na mystery film ay nakabatay sa Japanese novel ni Takano Kazuaki kung saan ang magiging character ni Jaehyun ay nakakahula kung kailan mamamatay ang isang tao.

Sinasabing unang makikita ang pelikula sa Berlin International Film Festival 2024 bago matutunghayan sa South Korea.

Makakasama ni Jaehyun dito ang actress na si Park Ju-hyun.

Samantala, ang Blackpink member na si Jisoo ay sasabak din muli sa pag-acting.

Sa gagawing pelikula na may pamagat na “Omniscient Reader’s Viewpoint” ay makakasama naman ng singer sina Lee Min-ho, Ahn Hyo-seop, at Chae Soo-bin.

Nagsimula na ang filming para dito noong Disyembre 2023.

Habang inaantay na mai-release ang nabanggit na projects ng dalawang singers, maaari munang panoorin si Jaehyun sa TV series na Dear. M habang si Jisoo ay sa Snowdrop.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble