IBINAHAGI ng aktres na si Janine Gutierrez ang kanyang pananabik na muling makatrabaho ang Award Winning Actress at Golden Globe Nominee na si Dolly de Leon.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Janine na masaya ito dahil nakatrabaho niya ang kanyang idol na si De Leon at tinanong din nito ang aktres kung maaari ba silang makagawa ng proyektong dalawa sa uulitin.
Bukod dito ay pinasalamatan din ni Gutierrez ang mga nanunood at sumusuporta sa kanyang bagong serye dahil sa magaganda at positibong reviews dito.
Matatandaan na kaliwa’t kanang parangal at nominasyon na ang natanggap ni De Leon dahil sa naging performance nito sa critically-acclaimed film na “Triangle of Sadness,” na nanalo sa sa Palme d’Or sa 75th Cannes Film Festival at nominasyon para sa Best Supporting Actress sa 80th Golden Globe Awards.