PINATAWAN ng tatlong buwang suspensiyon ang world no. 1 sa men’s singles na si Jannik Sinner ng Italy.
Ito ay kaugnay ng isyu ng umano’y pagpositibo niya sa paggamit ng ipinagbabawal na droga para sa mga atleta noong nakaraang taon.
Ayon sa World Anti-Doping Agency (WADA), pumasok sila sa isang kasunduan kay Sinner matapos tanggapin nito ang paliwanag tungkol sa positibong resulta sa Clostebol.
Ang suspensiyon ay naging epektibo noong Pebrero 9 at magtatapos ng Mayo 4.
Dahil dito, maaari pa ring makalahok si Sinner sa French Open na magsisimula sa Mayo 25 at magtatagal hanggang Hunyo 8 sa Paris.
Samantala, ang desisyon ng WADA ay umani ng negatibong reaksyon mula sa ibang tennis players, na nagsasabing tila may pinapaboran sa desisyon.