Japan at Canada, pormal nang sinimulan ang Intelligence Sharing Talks

Japan at Canada, pormal nang sinimulan ang Intelligence Sharing Talks

PORMAL nang sinimulan ng Japan at Canada ang Intelligence Sharing Talks nito.

Ang pagsisimula ng pag-uusap ukol sa Intelligence Sharing Pact o General Security of Information Agreement ay parte ng action plan na inanunsyo ni Japanese Foreign Minister Yoshimasa Hayashi at Canadian counterpart nito na si Melanie Joly.

Nagkasunod ang dalawang panig na ilunsad ang hakbang na ito sa lalong madaling panahon.

Matatandaan na pinapalalim pa ng Japan ang defense cooperation nito kasama ang Estados Unidos sa nakalipas na mga taon dahil sa lumalakas na pwersa ng China sa rehiyon.

Ang Japan ay may kaparehong Intelligence Sharing Agrement kasama ang 8 iba pang mga bansa kabilang ang Estados Unidos, Australia, Britain, India, South Korea at NATO.

Follow SMNI NEWS in Twitter