Japan at China, nagsagawa ng unang security dialogue matapos ang 4 na taon

Japan at China, nagsagawa ng unang security dialogue matapos ang 4 na taon

SINIMULAN na ng Japanese and Chinese officials ang kanilang unang security dialogue matapos ang 4 na taon kasunod ng pinaghihinalaang spy balloons ng Beijing.

Matapos ang pagpupulong sa Tokyo, inihayag ng Foreign Affairs at Defense officials na ang dalawang bansa ay sumasang-ayon na magkaroon ng maayos na bilateral na ugnayan.

Ang pagpupulong ay isinagawa matapos na iulat ng gobyerno noong nakaraang linggo na 3 unidentified flying objects ang nakita na lumilipad sa kalawakan ng bansa mula 2019 hanggang 2021 na pinaniniwalaan ng Japan na gamit ng China para sa pag-eespiya.

Samantala, pinabulaanan naman ng China ang paratang na ito at sinabi na walang ebidensya ang Tokyo para sabihin ito.

Hiniling din ng China na huwag nang sundan ng Japan ang Washington sa pagpapahayag ng mga peligro mula rito.

Matatandaan na unang ginanap ang Japan-China Security Dialogue sa Beijing noong Pebrero 2019.

Follow SMNI NEWS in Twitter