Japan, gagawa ng bagong gov’t body na tututok sa cyberattacks

Japan, gagawa ng bagong gov’t body na tututok sa cyberattacks

IKINUKUNSIDERA ng Japan ang paggawa ng bagong organisasyon na tutulong sa paglaban ng bansa sa cyberattacks kung saan maaari din itong magkontrol ng ilang unit ng defense at police forces nito.

Posibleng magtalaga ng bagong security budget para sa Fiscal 2024 ang gobyerno ng bansa na nagpapalawak naman sa role ng kasalukuyang National Center of Incident Readiness and Strategy for Cybersecurity.

Ang magiging pinuno ng organisasyon ay makikipagkaisa sa U.S. at European Cybersecurity Organizations kabilang na ang White House Office of the National Cyber Director.

Ang planong ito ay sumasalamin sa hangarin ng bansa na wakasan na ang sectionalism at gumawa ng isang nagkakaisang depensa laban sa cyberattacks.

Samantala, kahit na isang magandang hakbang ito laban sa cyberattack, ang planong ito ay maaaring magdulot ng pagka-kompromisa sa sikreto ng komunikasyon na nakalagay naman sa konstitusyon.

Posibleng ilagay ang bagong security body na ito sa ilalim ng pamamahala ng National Security Secretariat of the Cabinet Secretariat.

Follow SMNI NEWS in Twitter