Japan, kukuha ng Pinoy workers para sa kanilang health sector

Japan, kukuha ng Pinoy workers para sa kanilang health sector

BUKAS ang Japan sa pagkuha ng mga Pinoy para sa kanilang health sector.

Sa anunsyo na inilabas ng Japanese Embassy sa Manila, nasa 50 slots para sa nurses at 300 slots para sa care workers ang ibinigay ng Japan.

Ang lahat na matatanggap ay sasailalim sa Japanese language training sa loob ng anim na buwan sa Pilipinas at karagdagang anim na buwan sa Japan.

Libre naman ang naturang training ngunit kailangan makumpleto ito bago matapos ang tatlo hanggang apat na taong kontrata sa Japanese hospitals at caregiving facilities.

Ang job opportunity na ito ay binuo ng Japan International Corp. of Welfare Services at ng Department of Migrant Workers (DMW).

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble