MAGBIBIGAY muli ang Japan ng panibagong scholarship grants na nagkakahalaga ng P150M.
Ang scholarship grants ay gagamitin para sa Project for Human Resource Development Scholarship.
Layunin nito ang pondohan ang pag-aaral para sa master’s degree ng 20 Pinoy public servants upang mapaunlad ang kasanayan ng mga empleyado ng pamahalaang Pilipino.
Batay sa mga naunang pamantayan, ang mga aplikante na may edad 22–39 years old ay maaaring mag-qualify para sa scholarship.
Ang mga scholarship naman ay para sa Academic Year 2026-2027 sa mga top university sa Japan.
Sa kasalukuyan, sa ilalim ng programa ay nasa 459 na ang nasuportahan ng Japan mula sa Pilipinas.