IPINANGAKO ng bansang Japan na magbibigay sila ng stable supply ng liquefied natural gas (LNG) sa Pilipinas.
Ayon kay Japan’s Energy for a New Era Co. Inc. o JERA President Satoshi Onoda, nakipag-ugnayan na sila sa Aboitiz Group hinggil dito.
Bilang tulong ito ng Japan ayon kay Onoda tungo sa mas maunlad na ekonomiya na layunin ng Pilipinas.
Maliban pa rito, malaking bentahe rin ang suporta ng JERA para sa Pilipinas ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. dahil target na rin ng bansa na mag-shift patungo sa pagkakaroon ng malinis na renewable energy sources.
Ang JERA ay ang pinakamalaking power generation company sa Japan dahil ito ang gumagawa at nagbibigay ng 30% sa electricity requirement nila doon.