MAGHO-host ng online summit ang Group of Seven Industrialized Nations si Japanese Prime Minister Fumio Kishida kasabay ng pagtatapos ng role nito bilang rotating chair ng samahan ngayong taon.
Nakatakdang dumalo sa online summit na ito si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy.
Pag-uusapan ng G7 leaders ang digmaan ng Russia sa Ukraine at ang gulo sa pagitan ng Israel at Hamas.
Ayon sa top government spokesman, magiging parte rin ng diskusyon ang international comprehensive framework para sa advanced artificial intelligence.
Si Kishida ay nag-host ng in-person G7 Summit noong Mayo sa home constituency nito sa Hiroshima.
Matatandaan na kasapi sa G7 ang Britanya, Canada, France, Germany, Italy, Japan, at Estados Unidos maging ang European Union.