Japan, magkakaroon ng malaking papel sa diplomasya ngayong taon –PM Kishida

Japan, magkakaroon ng malaking papel sa diplomasya ngayong taon –PM Kishida

NANGAKO si Prime Minister Fumio Kishida sa kanyang New Year’s address na ang Japan ay magkakaroon ng malaking role sa diplomasya ngayong taon bilang host ng Group of Seven Summit.

Sa ngayon, ang Japan ay nahaharap sa isang hindi basta-bastang sitwasyong pang-seguridad  kasabay ng matibay nitong pagtanggi na ibahin ang status quo sa pamamagitan ng pwersa at nahaharap din sa mga banta ng nuclear threats.

Ang mga pahayag na ito ay kasunod ng pangamba na posibleng gumamit ng tactical nuclear device para sa limitadong strike laban sa Ukraine.

Umaasa si Kishida na magiging tulay ito sa paghahayag na dapat ay mawala ang nuclear arms sa mundo sa gaganaping G7 Summit sa Hiroshima na nooy winasak ng atomic bombing ng Estados Unidos.

Samantala, nagsimula na rin ang Tokyo sa role nito sa UN Security Council sa loob ng 2 taon matapos itong maging dysfunctional nang maglunsad ng giyera sa pagitan ng Ukraine ang Russia.

Nangako rin si Kishida na poprotektahan nito ang bansa matapos na baguhin ng gobyerno ang tatlong defense documents nito kabilang na ang national security strategy noong nagdaang Disyembre.

Follow SMNI NEWS in Twitter