Japan, nakadiskubre ng 7,000 bagong isla sa isang survey

Japan, nakadiskubre ng 7,000 bagong isla sa isang survey

MAYROONG pitong libong bagong isla na naitala ang Japan sa isang survey roon.

Ang bilang ng opisyal na isla sa Japan ay inaasahang dodoble mula higit 6 na libo patungo sa higit 14 na libo.

Ang Japan ay isang bulubunduking bansa na mayroong land mass na aabot sa higit 146 na libong square miles at napapalibutan ng Pacific Ocean, Sea of Okhotsk, Sea of Japan at East China Sea.

Ang bagong survey na isinagawa ng Geospatial Information Authority ng Japan ay hindi inaasahan na magpapalaki ng teritoryo ng bansa pero magbibigay ng mas eksaktong bilang nito.

Matatandaan na noong Agosto taong 2021, ang Japan Coast Guard ay nakadiskubre ng C Shaped Island na mayroong diameter na 0.6 miles.

Follow SMNI NEWS in Twitter