Japan, nakapagtala ng 1.5-M turista sa buwan ng Enero 2023

Japan, nakapagtala ng 1.5-M turista sa buwan ng Enero 2023

HIGIT sa isang milyong bisita ang pumasok sa Japan sa buwan ng Enero ngayong taon.

Ito’y kasunod ng Lunar New Year Holiday ay pinagaan na mga hakbang sa COVID-19.

Mula sa bilang, tinatayang isang milyong bisita ang mula sa East Asia kabilang na ang South Korea at Taiwan.

Sa kabila nito ang nasabing bilang ay mas mababa pa rin ng higit 40% sa Enero 2019.

Ang bilang ng Chinese na turista ay umabot lamang ng 31 libo na mas mababa ng higit 95% sa kaparehong buwan 4 na taon na ang nakalipas.

Ayon sa datos, higit 500 libo ang mula sa South Korea at humigit kumulang 300 libo naman ang bumisita sa Taiwan.

Follow SMNI NEWS in Twitter