TITRIPLEHIN ng Japan ang bilang ng contracted civilian ships nito para sa mabilis na mobilisasyon ng self-defense forces nito sa gitna ng miltary contingencies kabilang na ang lumalalang tensyon sa Taiwan Strait.
Plano ng gobyerno na taasan pa ang bilang ng contracted civilian vessels mula sa kasalukuyang dalawa hanggang anim na bilang nito.
Plano rin ng bansa na magsagawa ng pagsasaliksik ukol sa pagtatayo ng temporaryong mga daungan na tatanggap ng mga suplay na ililipat sa remote islands kung saan naroon ang SDF bases.
Plano ng gobyerno na isali ito sa pagpapaunlad ng transport capability ng national defense program guidelines na nakatakdang baguhin sa katapusan ng taon kasama ang national security strategy.
Sa panahon ng kaguluhan ay inaasahang ipagkakatiwala ang operasyon ng civilian ships na ito sa SDF reservists bilang karagdagan sa SDF personnel
Sa kasalukuyan kabilang sa transport capability ng bansa ang tatlong Osumi Class Transport Vessels, isang landing craft utility ng maritime self-defense force at pitong air self-defense force C-1 Cargo Planes.