Japanese prime minister bibisita sa bansa ngayong Abril

Japanese prime minister bibisita sa bansa ngayong Abril

BIBISITA sa Pilipinas at Vietnam si Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba sa loob ng apat na araw mula Abril 27.

Sa Vietnam, nakatakdang makipagpulong si Ishiba sa General Secretary ng ruling Communist Party na si To Lam.

Sa Pilipinas, makikipagpulong naman si Ishiba kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Layunin nilang makamit ang isang kasunduan kaugnay sa military intelligence-sharing pact na kung tawagin ay General Security of Military Information Agreement.

Sa kaniya ring magiging pananatili sa Pilipinas, susuriin ni Ishiba ang isang radar system para sa coastal surveillance sa ilalim ng Official Security Assistance (OSA) framework ng Japan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble