Jennie ng Blackpink, “Best Actress” dahil sa HBO series na “The Idol”

Jennie ng Blackpink, “Best Actress” dahil sa HBO series na “The Idol”

A round of applause para kay Kim Jennie ng Blackpink!

Ito’y dahil sa SEC Awards Brazil 2024, nakuha ng rapper-singer ang best actress in an international series award kasunod ang pagganap nito bilang Dyanne ng HBO series na “The Idol”.

Kung iisipin, debut ni Jennie ang “The Idol” sa acting industry subalit naging daan ito para mai-showcase ng K-Pop idol ang kanyang additional talent sa mundo.

Ang “The Idol” ay nai-release mula June 4 hanggang July 2, 2023.

Sa kabilang banda, ang main dancer ng Blackpink na si lisa ay nakatakda na ring mag-debut sa acting industry.

Sa anunsiyo, makikita ang artist sa Season 3 ng Drama series na “The White Lotus” sa 2025.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble