NILINAW ng YG Entertainment na walang offer na role para sa isang bagong Marvel series ang main rapper ng Blackpink na si Jennie.
Kasunod ito sa mga ulat na inalok ang rapper bilang Luna Snow, isang superhero na may kapangyarihang magmanipula ng yelo.
Nauna nang sumabak sa acting si Jennie sa HBO drama na “The Idol”.
Bilang member naman ng Blackpink ay kasalukuyan itong umiikot sa mundo para sa kanilang “Born Pink” tour.
Ang latest stop ng South Korean girl group ay Australia.