GRATEFUL ang aktres na si Jessy Mendiola at asawa nitong si Luis Manzano dahil bukod sa busy sila sa pagpapalaki sa anak nila, marami rin silang katuwang sa pag-aalaga sa kanilang baby na si Isabella Rose.
Ayon kay Jessy, malaking bagay rin na ang mga in-laws niya na sina Edu Manzano, Vilma Santos, maging si Congressman Ralph Recto dahil excited silang alagaan ang baby nila.
Kuwento ni Jessy Mendiola, ang ginagawa nila, nagmi-meet sila ng schedule kong sino ang magbabantay sa kanilang anak na si Rosie.
Sobra naman ang pasasalamat ng aktres dahil sa tulong ng pamilya ni Luis sa buhay nila.