JICA tutulong sa DSWD sa rehabilitasyon ng mga Pilipinong kabataang may paglabag sa batas

JICA tutulong sa DSWD sa rehabilitasyon ng mga Pilipinong kabataang may paglabag sa batas

NAGKASUNDO ang Japan International Cooperation Agency (JICA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tutukan ang mga kabataang Pinoy in conflict with the law o may mga paglabag sa batas.

Ang Juvenile Justice and Welfare ng DSWD ang siyang mangunguna sa naturang napagkasunduang proyekto.

Sa naturang kasunduan ay target ng JICA at DSWD na makapagtayo ng community-based juvenile intervention facilitator system para sa mga kabataan.

Partikular na ipaiiral ang kasunduan sa Malabon, Navotas, at Olongapo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble