Jimmy Santos, ibinahagi ang mainam na bottle recycling sa Canada

Jimmy Santos, ibinahagi ang mainam na bottle recycling sa Canada

IBINAHAGI ni Jimmy Santos, isa sa mga beteranong Pinoy TV hosts sa kaniyang vlog ang sistema ng bottle recycling sa Canada.

Batay sa nai-post nito noong May 23, sinabi niya na mismong ang pamahalaan ng Canada ang nanghihikayat sa kanilang mga residente na mag-recycle.

Ipinaliwanag niya na sa bawat pagbili ng bote ng soda halimbawa ay may ten cents na deposito para dito.

Ito na rin ang dahilan para maoobliga ang mga residente na ibalik ang mga bote sa tinatawag nilang South Pointe Bottle Depot.

Pagkatapos maiturn-over ay bibigyan ng resibo ang sinumang nagdala ng recyclables.

Sinabi ni Jimmy na hakbang ito ng Canada upang mabawasan ang kanilang carbon footprint at maiwasan ang polusyon.

Hindi na rin sila mahirapan sa pagkakaroon ng raw materials para sa panibagong produksiyon ng bote.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter