NAKAKUHA ng 100% passing rate sa nagdaang 2023 Psychometricians Licensure Examination ang BS Psychology students ng Jose Maria College Foundation Incorporated.
Dahil dito, malaki ang pasasalamat ng mga iskolar na nakapasa kay Pastor Apollo C. Quiboloy na founder ng paaralan para sa pribilehiyo na ibinigay nito upang makamit ang kanilang tagumpay.
Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng dedikasyon at husay nito sa paghahanda sa kanilang mga mag-aaral para sa kanilang propesyon.
Walong estudyante mula sa BS Psychology Department ng JMC ang nakapasa sa eksaminasyon kabilang na nga rito sina Hanna Joy Bedico, Juvy Belleza, Rose Kate Bermejo, Jaydel Mae Al, Maria Divine G. Diolas, Donna Mae Habacon, Austin Bleu D. Maxey, at Faith Momo.
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), 6,133 examinees ang nakapasa mula sa kabuuang bilang ng kumuha nito na 8,370 examinees na mayroong 73.27 na porsiyento ng passing rate.
Kasabay nito ay lubos naman ng pasasalamat ang dalawang gift of education scholars at mga estudyante ng JMC na nasa ilalim ng pangangalaga ni Pastor Apollo C. Quiboloy na kabilang sa nakapasa sa nasabing eksaminasyon, “With immense joy and gratitude—making you the greatest ever mentor we could ever look for.”
Ikinatuwa naman ni Pastor Apollo ang balitang ito dahil ito ay sumasalamin sa hangarin nito na makapaghatid ng kalidad at libreng edukasyon para sa mga kabataan ng bansa.
“May the Almighty Father bless the Jose Maria College and Children’s Joy Foundation Incorporated, gift of education students, May The Father Bless You,” pagbati ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ang Jose Maria College Foundation Incorporated (JMCFI) na itinatag ni Pastor Apollo ay nagpakitang gilas din sa nagdaang Bar examinations kung saan naitala itong nasa ikatlong puwesto para sa examinees na kumuha ng pagsusulit sa unang beses o iyong first time takers.
Sa mga nagdaang panahon, isang magandang halimbawa ang JMCFI pagdating sa pagbibigay ng mataas na kalidad at mahusay na edukasyon sa kanilang mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ng makabagong mga pagsasanay, modernong pasilidad, at dedikasyon ng mga guro sa pangunguna ng founder nito na si Pastor Apollo C. Quiboloy nakakamit ng mga mag-aaral ng JMCFI ang kanilang mga pangarap.
Ipinakita rin ng JMCFI ang hindi matatawarang dedikasyon nito sa paghahanda at pagtuturo sa kanilang mga estudyante upang maging handa ang mga ito sa kanilang mga landas tungo sa tagumpay.
Congratulations to the 8 outstanding JMCFI BS Psychology students for conquering the 2023 Psychometricians Licensure Examination!
All your efforts have paid off, and we couldn’t be prouder of your achievement.
This milestone not only proves the hard work you had put out but also the commitment of the BS Psychology Department, which achieved a remarkable 100% pass rate.
Join this legacy of excellence by enrolling in the JMCFI BS Psychology program.
Uncover your potential and embark on a fulfilling journey in the psychology profession!
#jmcfipsychology
#futurepsychometricians
#unleashyourpotential
#jmcfi
#bestschool
Jose Maria College Foundation, Inc.