JMCFI ng Davao City, hindi nagpasindak sa malalaking players ng FEU sa PCCL 16th Preseason Cup

JMCFI ng Davao City, hindi nagpasindak sa malalaking players ng FEU sa PCCL 16th Preseason Cup

PALABANG puso ang tangan-tangan ng mga manlalaro ng Jose Maria College Foundation Inc. (JMCFI) Kings, mula sa Davao City, sa Game 2 ng kanilang laban kontra sa mga malalaking manlalaro ng FEU Tamaraws sa 16th Preseason Cup ng Philippine Collegiate Champions’ League (PCCL) na ginanap sa San Juan City.

Ito ang unang appearance ng JMC Kings sa national na kompetisyon kaya hindi nila sinayang ang pagkakataon na maipakita ang pusong Dabawenyo sa paglalaro ng basketball.

Sa kanilang ikalawang laban kontra sa FAR Eastern University (FEU), ipinakita ng Kings na ‘height doesn’t matter’.

Natapos ang 1st quarter na may iskor na 1st (JMC 21-17 FEU) pabor sa Kings, sumunod naman ang makapigil hiningang 2nd quarter na kung saan nakabawi ang FEU sa score na (JMC 37-38 FEU)

Sa halftime break habang na sa dugout ang mga players ay nakakuha ng magandang motibasyon ang koponan ng Kings dahil ang founding president ng JMCFI na si Pastor Apollo C. Quiboloy mismo ang tumawag at nagbigay ng inspirasyon sa koponan.

Ngunit hindi nagpaawat ang FEU sa 3rd quarter na may score na (JMC 54-65 FEU) at sa 4th quarter sinubukan ng Kings na idikit ang score ngunit nakuha ng FEU ang panalo na may final score na JMC 80-90 FEU.

Ayon kay JMCFI Kings head coach Flordelito Cagampang, marami silang natutunan sa kompetisyon na kanilang babaunin pagbalik sa Davao City.

Hindi rin aniya siya nanghinayang dahil naipakita nila sa sambayanang Pilipino na merong ibubuga ang kanilang koponan.

Pastor Apollo C. Quiboloy, all out ang suporta sa koponan ng JMC Kings

Pagkatapos ng laro ay muling tumawag si Pastor Apollo sa koponan at sinabi na maganda ang ipinakitang laro ng Kings.

Dahil dito sinabi ni Chris Catarong team captain ng Kings na pag-uwi sa Davao City ay kaniyang susundin ang sinabi ni Pastor Apollo na idagdag sa kanilang arsenal ang three point shooting.

Kilala si Pastor Apollo sa kaniyang accurate three point shooting at sa kaniyang malusog na pangangatawan sa kabila ng kaniyang edad na 73 years old kaya naman hindi na kataka-takang iniidulo ito ng mga kabataan.

Ilang beses na ring nakagawa ng mahigit 100 puntos ang butihing Pastor sa mga basketball game nito kalaban ang mga batang manlalaro.

Bigo man sa dalawang laban nila sa FEU Tamaraws, lubos pa rin ang pasasalamat ng JMC Kings kay Pastor Apollo na all-out lagi ang suporta sa kanila.

Hindi lang sa kanilang mga gamit tulad ng mga branded na basketball shoes, kundi pati sa mga motibasyon na ginagawa ng butihing Pastor sa kada laban nila.

Ang JMC Kings ang naging pambato ng Visayas at Mindanao matapos payukuin ang mga kilalang basketball team sa lugar at itinanghal na Vismin Regional Champions ng PCCL.

Sa ngayon baon ng Kings ang experience at alab sa kanilang mga puso na muling makabalik sa national competition.

Follow SMNI NEWS in Twitter