KABOG na kabog ni Jo Berry ang kaniyang appearance sa Vogue Magazine Philippines na may tema, “True value lies in self-acceptance.”
Makikita sa imahe ng aktres ang very sophisticated, clean and polished look na may confidence na very iconic ang dating.
Mula sa kaniyang pelikula na Lilet Matias: Attorney-at-Law, madalas na makita ang natural na makeup na nude at pink shades sa aktres na nagpapakita ng pagiging simple at mabait na karakter, ngunit sa appearance ng aktres sa Vogue Magazine Philippines, pinakita rito ang different side ni Jo na brave but sophisticated sa kaniyang bold red lips.
Samantala sinabi naman ng aktres na naging pundasyon niya ang respeto sa sarili at pagiging matatag, na siyang nagturo sa kaniya na ang tunay na halaga ay nakasalalay sa kung paano mo nakikita ang iyong sarili, hindi sa kung paano ka nakikita ng iba.
Follow SMNI News on Rumble