“FALLING does not mean you lose hope.” Yan ang sinabi ng Filipino-American comedian and actor na si Joseph Glenn Herbert o mas kilala sa kaniyang screen name na “Jo Koy”, matapos niyang matanggap ang kaniyang first honorary Doctorate of Fine Arts.
Sa kaniyang talumpati, ibinahagi ng komedyante ang kaniyang karanasan bago maabot ang mga pangarap pati na ang inaasam na tagumpay.
Bumida sa ilang comedy specials sa Netflix kabilang ang ‘Jo Koy: Live from Seattle,’ ‘Jo Koy: In His Elements,’ at ‘Jo Koy: Live from Brooklyn.’
Malapit na ring mapanood si Jo Koy sa isang Hollywood movie na ‘The Last Resort.’