JOB availability ratio sa Japan para sa Fiscal Year 2023 bumagsak sa 1.29 mula sa nagdaang taon.
Ayon sa datos na inilabas ng gobyerno, ito ang unang pagbagsak ng job availability sa bansa sa loob ng tatlong taon.
Sa nakahiwalay na datos, hindi naman nag-iba sa 2.6 percent ang unemployment rate ng bansa para sa FY 2023.
Nasa higit isang milyon at pitundaang libong tao ang unemployed nang magtapos ang Fiscal Year 2023 noong buwan ng Marso.
Sa bilang na ito higit isang milyon ang lalaki at higit pitundaan at limampung libo naman ang babae.