John Arcilla, hindi sang-ayon na boluntaryo na lang ang pagsusuot ng face mask

John Arcilla, hindi sang-ayon na boluntaryo na lang ang pagsusuot ng face mask

HINDI sang-ayon ang aktor na si John Arcilla sa bagong panukalang batas na magiging boluntaryo na lang ang pagsusuot ng face mask sa outdoor areas.

Sa kanyang social media post, sinabi niya na bagamat hindi na gaanong mataas ang bilang ng COVID-19 cases, kailangan pa ring siguruhin ang kaligtasan ng bawat isa lalo na sa mga matatanda.

Ibinahagi pa niya na personal niyang iniiwasan na mahawaan sa kahit anumang virus gaya ng COVID-19 dahil mahirap ang magkasakit kaya ganito na lamang ang kanyang pagtutol dito.

Dahil dito, nagpaabot ng makahulugang mensahe ang aktor kung saan sinabi nito na “hindi kalayaan ang itaya ang sarili sa peligro”.

Follow SMNI NEWS in Twitter